Kung saan musika ang hangin mula sa dagat;
Kung saan ang buhangin ang nagbibigay-lapat;
Kung saan ang araw ay sadyang muling sisikat;
Kung saan ang pangarap ay unti-unting iaangat.
Kung saan kami'y magkakasama,
Busog sa mga kwento at tawa;
Magpakalunod sa kape, 'di nagsasawa
Dahil alam naming dito kami ay isa.
Ang Brasil ay isa nang masayang kahapon,
Alam kong maaaring 'di na magkaroon;
Ngunit may plano ang Dakilang Poon,
Nawa'y sa panalangin Siya'y sumang-ayon.
At sa muling paglipad papalayo sa tinubuan,
Dala ko ang pag-asa't iiwan ang kasawian.
Bibilang man ng taon, lilipas man ang walang-hanggan,
Alam ko, sa bagong Brasil, bagong AKO'y magkakalaman.
Layon ko ma'y lumayo,
Nais ko ma'y um-eskapo,
Mga Brasileira't Brasileiro:
Você gostar dele também, não?
Vamos!
GMT +8 Manila, Philippines
No comments:
Post a Comment